Mateo 10:37 – 11-1
“Ang umiibig sa ama o sa ina nang higit sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin. At ang umiibig sa anak na lalaki or babae nang higit sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin. Ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin. Ang nag-iingat ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, at ang nawawalan ng kanyang buhay dahil sa Akin ay magkakamit nito.”
Sa mga panahong ito, mas madaling iwasan ang komitment kesa tuparin ito. Sa lakas ng salitang ito, tila kumikitil ng laya. Sadyang taliwas ito sa buhay na makasarili at lubhang mahirap pangalagaan at gawing pang matagalan. Para kasing taliwas ito sa malayang pamumuhay at sa kasabihang “sarili kong desisyon at gawa.” Animo’y nakakasira ng pamumuhay.
Sa salita ng Diyos sa Mateo 10:34 (at sa sumusunod), mabigat ang pananaw ni Hesus ukol sa pagpapahalaga ng isang komitment. Sinasabi din dito na dahil sa pagsunod kay Kristo, makararanas ng paghihirap, sama ng loob, persekusiyon at iba pa. Sadyang hindi madali ang maging disipulo ni Hesus. Subalit nangako naman Siya nang walang hanggang buhay sa kabila ng lahat ng paghihirap na ito. Ito ang mas mahalagang pagtuunan ng pansin.
Ito ang hamon sa atin sa pagsunod kay Hesus. Maaaring di tayo lubos na maintindihan ng ating mga mahal sa buhay man o kaibigan -- tila laging may di pagkakaunawaan. Lalu na kung ang isa ay lubos ang dedikasyon sa pagsunod kay Kristo at ang iba ay hindi. Nagiging tila kaaway tuloy ang turingan ng magpapamilya. Hindi kasi lubos na maintindihan ng iba ang tunay na responsibilidad ng isang tagasunod ni Hesus. Ang nagyayari tuloy ay bumibigay na lamang ang isang disipulo at tumitigil sa kanyang gawaing ispirituwal.
Sa iba naman, mas nagiging mahalaga ang kumita ng pera na kung tutuusin nama’y biyayang kaloob ni Hesus dahil na rin sa serbisiyong ipinagkakaloob sa Kanya. Habang lumalaki ang kita, lumalaki na rin ang distansiya sa pamilya, sa mga taong sineserbisyuhan, at higit sa lahat sa Diyos. Matapos makamit ang biyayang inasam, ang komitment nila ang humihina. Mas maraming na silang dahilan.
Ang pagpasan ng Krus ni Hesus ang pinakamahalaga sa lahat. Tinuturuan Niya tayong unahin Siya kesa ibang bagay. Mabigat man dalhin ang kanyang Krus, kasama naman natin Siya sa ating paglalakbay. Iba na dapat ang ating pananaw simula nang tayo’y mag-komit sa Kanya.
Ang hamon sa atin ay ang kung paano natin ibibigay ang natitira pa nating buhay sa serbisyo sa Panginoon. Ito ang nais ng Panginoon. Nangako naman si Hesus na “sa Aking kaharian, maraming mansiyon.”
Iba na dapat ang ating pinapahalagahan. Buhay ng iba kesa sa sarili natin. Tutal, dumaraan lamang tayo sa mundong ito. Di naman natin alam kung bukas o sa makalawa’y buhay pa tayo. Sayang naman ang panahon.
Pagnilayan: Nasaan ba ang aking priyoridad mula nang ako’y mag-komit sa Diyos? Handa pa rin ba akong tanggapin ang hamon ng pagpasan ng Kanyang Krus?
Saturday, August 30, 2008
Monday, August 18, 2008
Tagapag-gawa ng Tulay (Bridge Builder)

“Supreme Pontiff” ang isa sa mga titulo ng Banal na Papa. Ang Emperador ng Roma ang original na may titulong “Pontifex Maximus” dahil sa nais niyang ipagbuklod ang lahat ng lupang kanyang nasasakupan, maraming tulay ang kanyang pinagawa noon. Kaya naman sa Italya, maraming tulay, malaki man o maliit. Nang si Constantine ang naging Emperador, ibinigay niya ang kontrol ng Roma sa Banal na Papa at mula noon, “Supreme Pontiff” na ang tawag sa kanya. Kung iisipin, ang Papa ang siyang naging malaking tulay sa lahat ng Kristiyano.
Naintindihan ni Pope John Paul II ang pagiging “bridge-builder” kaya naman ang pag-alok ng kapayapaan sa ibang relihiyon ang kanyang ginawa sa pamamagitan ng World Day of Prayer for Peace noong October 27, 1986. Ginawa ito sa Assisi kung saan iba’t-ibang lider ng mga iba’t-ibang relihiyon ang pumunta gaya ng pinuno ng Church of England at ang Dalai Lama ng Tibet. Naroon din ang mga katutubong relihiyon ng India at ng mga Indian ng Amerika. Paano nga kaya nakapag-dasal ang Banal na Papa kasama ang mga taong may tinaguriang ibang diyos?
Ang inspirasyon ng Papa bilang isang taga-gawa ng tulay ay matatagpuan mula pa sa panahon ni Hesu-Kristo. Sa Mark 9:38-40, ipinakita ni Hesus ang Kanyang bukas na puso para sa lahat nang sinabi Niya sa Kanyang mga disipulo na hayaan ang ibang tao na mag-paalis ng demonyo sa Kanyang ngalan kahit di siya kaanib ng mga disipulo. Sabi ni Hesus: “Huwag niyo siyang pagbawalan, sapagkat walang taong matapos gumawa ng kababalaghan sa pangalan Ko ang agad magsasalita ng masama laban sa akin.”
(isinalin mula kay Fr. Domie Guzman)
Pagnilayan:
Ano ka – taga-gawa ng tulay (bridge-builder) o taga-gawa ng bakod (fence-maker)? Bakit?

Subscribe to:
Posts (Atom)